Connect with us

Latest

UTANG NG BANSA UMABOT NA SA P 9 TRILLION NGAYONG TAON. SEN. LACSON PINAPALIWANAG ANG PALASYO SA PAG LOBO NITO!

Published

on

Ngayong nasa Senado ang kopya ng panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon, naghahanda na si Senador Panfilo Lacson ng mga maaaring itanong sa executive branch.

Ayon kay Lacson, partikular niyang nais malaman kung paanong umabot ng higit P9 trillion ang utang ng bansa nitong June mula sa P7.9 trillion noong December.

Nais ng senador na maipaliwanag kung magkano na talaga ang nadagdag na utang ng bansa, at paano natin ito nagamit.

Sa pagtaya kasi ng senador, sobra-sobra ang inuutang ng bansa kumpara sa ating kinakailangan…bagay na naitanong na rin ng senador noong talakayin ang 2020 national budget.

Naniniwala rin si Lacson, na dapat mag-adjust ang ating pambansang pondo sa revenue collection ng bansa.

Aniya, dahil bumaba ng 8.8 percent ang revenue collection ngayon ng bansa dahil sa pagbagal ng economic activity dulot ng pandemya, lalaki ang ating budget deficit kung itataas sa P4.5 trillion ang national budget.

Para sa mambabatas, kung hindi naman makapagpapatupad ng infrastructure projects dahil sa pandemya, hindi na kailangan magkaroon ng napakalaking pondo.

Babala ng senador, maaring ngayon ay hindi pa ramdam ang epekto ng paglaki ng utang ng bansa pero tiyak na ang susunod na mga henerasyon ang magbabayad nito.

PANOORING ANG BUONG DETALYE:

Social Shares
  • 387
    Shares
  • 387
  •  
  •  

Facebook Comments

Continue Reading
Advertisement

Latest

BIRADA ni LENI sa ‘WHITE SAND’ makeover sa MANILA BAY, WASAK KAY SEC. SAL PANELO!

Published

on

Kinuwestyon ni Vice President Leni Robredo ang paglalagay ng white sand sa Manila Bay at sinabing walang pakialam ang DENR at nakaka-insulto sa mga Pilipino na naghihirap sa ngayong may pandemya.

INIHAYAG ng Malakanyang na ang paglalagay ng white sand sa Manila Bay ay bilang bahagi ng beach enhancement para maiwasan ang soil erosion.

Ang pahayag ay kasunod ng pagkwestyon ni Vice President Leni Robredo ukol dito at sinabing walang pakialam ang Department of Environment and Natural Resources o DENR at nakaka-insulto sa mga Pilipino na naghihirap sa ngayong may pandemya.

“Napaka-insensitive na gagawin mo yan sa height ng pandemic na ang daming nagugutom. Ang daming naghihirap, gagawin mo yung pag-beautify.”

                —Vice President Leni Robredo

White Sand sa Manila Bay, bahagi ng programa para maiwasan ang soil erosion

Samantala, ipinaliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque na makatutulong din ang white sand sa Manila Bay para sa flood control projects ng pamahalaan.

Bilang taga-Maynila, ikinatuwa rin ng Palace spokesman na may magandang atraksyon na sa kanyang siyudad.

Naglabas din ng pahayag si VP Robredo na sana’y pinangtulong na lamang sa mga mahihirap na pamilya ang pondo na ginasta para sa naturang proyekto, lalo’t marami ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Pinunto pa ni VP Leni ang laging sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ubos na ang pondo para sa COVID-19 relief efforts ng pamahalaan.

“Ang isa sa mga suggestion ko na yung pinakamahihirap na pamilya, bigyan sana ng Pantawid pamhanapbuhay man lang…Ang sagot nilang walang pera.”

                 —Vice President Leni Robredo

Sa pagkwenta ng bise presidente, ang lampas P300M na pondo para sa pagpapaganda ng Manila Bay ay nakapagbigay na sana ng P5,000 bilang tulong pinansyal sa 80,000 pamilya.

Kaugnay sa perang ginamit dito, binigyang-linaw ni Roque na ang Manila Bay project ay inaprubahan pa noong nakaraang taon na pinondohan ng 2020 national budget.

Giit ng Palasyo, may pondo nang inilaan para sa naturang proyekto bago pa man magsimula ang COVID-19 pandemic.

Batay sa rule sa budget, kapag ito ay nasa line item, ito lamang ang pupuwedeng paggamitan ng pondo.

Mababatid na umani ng batikos mula sa publiko at ilang grupo ang naturang proyekto at kinuwestyon kung bakit inuna pa ng pamahalaan itong gawin gayong mayroong pandemic ng COVID-19 sa bansa.

Dinipensahan naman ng DENR ang pagtatambak ng synthetic white sand sa dalampasigan ng Manila Bay at sinabing ang pondo ay galing sa P389 million Manila Bay Beach Nourishment Project Fund.

Social Shares
  • 219
    Shares
  • 219
  •  
  •  

Facebook Comments

Continue Reading

Latest

NO MORE THAN 40 YEARS IMPRISONMENT ANG KAKAHARAPIN NG MAHAHATULAN NG PLUNDER

Published

on

Tiwala si Senate President Vicente Sotto III na lahat ng mga opisyal ng Philippine Health Insu­rance Corp. (PhilHealth) ay madidiin sa mga kasong inirekomenda ng Senado.

Giit ni Sotto, masyadong halata ang fin­dings nila at ang kanilang rekomendasyon na sampahan ng kasong criminal at administratibo ay maipa-file.

Nauna nang inirekomendang kasuhan ng Senate Committee of the Whole na kasuhan si Health Secretary Francisco Duque III, ex-officio chairman ng PhilHealth board gayundin ang nagbitiw na si chairman Ricardo Morales at iba pa dahil sa umano’y illegal na implementasyon ng interim reimbursement mechanism o IRM.

Iginiit ng Senate president na hindi naman kung sinu-sino lang o sila-sila lang ang basta-basta nag- imbestiga dahil mayroon umano silang magagaling na imbestigador tulad ng dating chief of police at dating kalihim ng Department of Justice na dating executive secretary na kasama sa nagrekomenda ng mga kaso.

Idinagdag pa ni Sotto na conservative at mabait pa sila sa naging rekomendasyon nila at ang isinama lang nila at tala­gang matibay ang kanilang posisyon.

Sa kabila nito, ipinapaubaya pa rin nila sa De­partment of Justice (DOJ) na magpursige ng iba pang detalye na silang magsasampa ng kaso sa mga opisyal ng PhilHealth dahil mas malalim ang imbestigasyon nila dahil na rin sa magagamit nila ang National Bureau of Investigation (NBI).

PANOORIN ANG BUONG DETALYE:

Social Shares
  • 814
    Shares
  • 814
  •  
  •  

Facebook Comments

Continue Reading

Latest

GOOD! CONG DAN FERNANDEZ INILABAS NA ang WITNESS LABAN KAY SEC DUQUE! PEKENG RESIBO SCAM ISINIWALAT!

Published

on

Patuloy pa rin ang pagsisiwalat ng samu’t-saring katiwalian sa loob ng PhilHealth simula nang imbestigahan sa Kongreso ang mga opisyal na umano’y sangkot dito.

Sa pinakahuling ginanap na sabay na pagdinig ng House committee on Public Accounts and Good Government at Public Accountability, ibinulgar sa pagkakataong ito ng isang dating empleyado ang tungkol naman sa pag-issue diumano ng mga pekeng resibo sa ilang OFWs na nagbayad ng kontribusyon.

Sa naging pahayag ni dating Philhealth senior auditing specialist Ken Sarmiento, ibinahagi nito na nadiskubre niya umano na aabot sa P17.4-M na halaga ng kontribusyon ng mga OFW ang nabigyan ng pekeng resibo.

Unang natuklasan ni Sarmiento, na noon ay naka-assign sa POEA OFP Operations Office ng PhilHealth, ang kuwestiyunableng resibo na inisyu sa isang OFW na hindi nai-remit sa kanila ang premium na nagkakahalaga ng P2,400.

Ang resibo ay inisyu ng isang manpower agency noong Setyembre 2015. Ayon kay Sarmiento, matapos nilang imbestigahan ito, natuklasan nilang mayroon pang 168 na pekeng resibo na galing din sa nasabing manpower agency at hindi naibigay sa PhilHealth ang premium.

Noon namang 2018, mayroon pa silang nadiskubre na 228 confirmed na kaso ng kaparehong modus at 868 suspected cases.

Base sa kanilang pagsusuri, umabot sa 7,257 na OFW ang nagbayad ng kanilang premium subalit hindi ito naremit sa PhilHealth. Ito ay katumbas umano ng P17,416,800 halaga ng pera na naibulsa ng sindikatong sangkot sa modus.

Ayon pa kay Sarmiento, sa bawat P2,400 na ibinabayad ng OFWs, P900 dito ay napupunta sa gumagawa ng pekeng resibo habang P1,500 naman ang ibinubulsa ng liaison officer.

Kilala umano niya ang mga sangkot dito at ang kalakaran ng nasabing raket.

Sinubukan din daw niyang isumbong sa Regional Director ng PhilHealth ang modus subalit siya pa ang na-demote at inilipat ng opisina.

PANOORIN ANG BUONG DETALYE:

Social Shares
  • 628
    Shares
  • 628
  •  
  •  

Facebook Comments

Continue Reading

DDS NEWSFEED

Trending

Copyright © 2020 DDS NEWSFEED

error: Content is protected !!