Connect with us

Hotnews

OPM PRESIDENT OGIE ALCASID, UMAPELA SA KAMARA NA BIGYAN NA NG PRANGKISA ANG ABS-CBN.

Published

on

nakiusap sina PAMI president June Rufino at OPM president Ogie Alcasid na bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN at binanggit ang mga naging kontribusyon nito at mga trabahong ibinigay sa mga artista at singer.

It is therefore our humble plea to the honorable franchise committee to find it in your hearts and consciousness the future of over 5,000 families who are dependent and hopeful for your affirmative decision on the franchise renewal of ABS-CBN,” 

Samantala, ibinahagi naman ni Alcasid na tinutulungan ng iba’t ibang platforms at TV shows ng ABS-CBN na matupad ang pangarap ng mga mang-aawit sa bansa at mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga pamilya.

PANOORIN ANG BUONG VIDEO:

Hiniling din ni Rufino na patuloy silang bigyan ng pagkakataong maging bahagi ng mga programa ng ABS-CBN na nagdadala ng saya sa mga Pilipino sa buong mundo.

Social Shares
  • 776
    Shares
  • 776
  •  
  •  

Facebook Comments

Continue Reading
Advertisement

Hotnews

Mayor Isko: Nobody can offer better than what the national government is doing right

Published

on

Mayor Isko Moreno Domagoso: “Nobody can offer better than what the national government is doing right now against the pandemic.”

Mayor Isko Moreno Domagoso sa Usaping Bayan kasama si Kapartner Mike Abe at Thinking Pinoy

WATCH THE VIDEO:

Social Shares
  • 703
    Shares
  • 703
  •  
  •  

Facebook Comments

Continue Reading

Hotnews

KAKASUHAN NA! LAARNI VILLALUZ na isang guro binastos si DUTERTE, ginawang ASO ang PANGULO

Published

on

Humingi ng tawad si Teacher Laarni Villaluz ng Maryhill College ng Lucena City sa kanyang malisyosong post na larawan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang post, makikita ang edited na larawan ng pangulo na nakadapa habang kumakain ng dog food at malinaw na ang orihinal na photo ay ang pagbisita ng ni Pangulong Duterte sa Jolo, Sulu kung saan humalik ito sa lupa bilang respeto sa mga kapatiran nating mga Muslim at sa mga biktimang namatay sa magkasunod na pambobomba sa nasabing lugar.

Pinagmumukhang aso ni Villaluz ang pangulo na nag viral sa social media at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.

Galit ang karamihan sa tinuran ng guro laban kay Pangulong Duterte.

Ayon sa ilan, hindi raw sapat ang kaniyang sorry dahil sa idinulot nitong kawalang paggalang sa pangulo at sinabing dapat na maging magandang halimbawa ito sa kaniyang mga magaaral.

Habang ang isa naman bagamat ipinagtanggol at sinabing ang lahat ay may karapatan na patawarin ngunit iginiit na hindi ito karapat dapat na maging guro .

Sa ngayon ay aminado si Villaluz na hindi siya nag isip sa kaniyang ginawa at lubos nitong tinatanggap ang kanyang pagkakamali.

Humingi rin ito ng paumanhin sa kaniyang pamilya dahil sa aniya’y kahihiyang idinulot ng kaniyang post sa social media.

Nagpaabot din siya ng mensahe sa Department of Education at sa buong komunidad ng mga guro sa bansa dahil sa kumalat na larawang tumutuligsa kay Pangulong Duterte.

At sa kaniyang mga estudyante, batid aniya nito ang pagkadismaya ng lahat sa kaniyang ginawa at posibleng nag iba na ngayon ang tingin ng mga ito sa kaniya bilang kanilang guro.

Nakahanda rin si Villaluz na tanggapin ang magiging desisyon ng mga otoridad kaugnay sa kaniyang tinuran

Samantala, nagbigay na ng opisyal na pahayag ang eskwelahan kung saan nagtuturo si Villaluz.

Ayon sa inilabas nitong statement, kinondena nito ang ginawa ni Villaluz kay Pangulong Duterte at sinabing hindi nito hahayaan ang anumang gawain ng kanilang mga tauhan na labag sa batas, sa moralidad at mga polisiya ng gobyerno.

At bilang isang Catholic school, iginiit nitong, nananatili ang kanilang pagpapahalaga sa kagandahang asal na isa sa maraming halimbawa ng catholic.

Ayon sa pahayag ng Maryhill College, “We deeply regret the recent incident being attributed to one of our school teachers relatively to an online post that has gone viral depicting the President of the Republic of the Philippines in a disrespectful and distasteful manner. The Maryhill College, Inc. does not and will not countenance any act – contrary to law, morals or public policy – by any of its personnel,”

“As a Catholic Marian Institution, we reiterate our school’s commitment to promote and uphole our core values – particularly the practice of the Marian virtues such as humility, charity, and respect for persons. In line with the Catholic church’s teachings, we work relentlessly to inculcate among our employees and students the value of conducting their daily affairs with integrity and in accordance with Christian moral principles,…”

Nilinaw din ng paaralan na nagpalabas na sila ng administrative action para kay Villaluz pero hindi na nito pinaliwanag ang nasabing aksiyon na ginawa.

Samantala, wala pang opisyal na pahayag ang Department of Educationg hinggil sa nasabing insidente.

Matatandaang, nito lamang nakaraang mga buwan, isang guro din ang naipakulong at kalauna’y nakalabas din dahil sa ginawang hamon nitong pagpatay kay Pangulong Duterte, sa halagang P50 milyong.

PANOORIN ANG BUONG DETALYE:

Social Shares
  • 609
    Shares
  • 609
  •  
  •  

Facebook Comments

Continue Reading

Hotnews

PANIBAGONG MODUS SA PHILHEALTH KAUGNAY SA CONTRIBUTION NG MGA OFW, NAUNGKAT SA KAMARA

Published

on

Pinuna ni Marikina Representative Stella Quimbo ang mababang koleksyon ng PhilHealth mula sa mga overseas Filipino worker (OFW) ngayong taon, kumapra noong 2010.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Kamara sa mga isyu sa ahensya, sinabi ni Quimbo, na noong 2010 ay nasa 767,000 OFWs pa ang nagbabayad ng kontribusyon, ngunit bumagsak ito ngayon sa halos kalahati.

Pag-amin naman ni PhilHealth Overseas Filipino Program Senior Manager Chona Yap, na mula sa tatlong milyong OFWs na nasa kanilang database ay 320,000 OFWs lamang ang kanilang nakokolektahan ng premium contribution ngayong taon.

Bukod dito, lumabas din sa pagdinig na mataas ang claims ng OFWs kumpara sa kanilang kontribusyon.

Katunayan noong 2019 ay nasa P1.02 billion premium collection sa OFWs, pero umabot naman sa P1.7 billion ang kanilang claims.

Hirap din aniya sila na mangolekta sa OFWs abroad, bunsod ng kawalan ng mga opisina o representatives sa ibang mga bansa.

Lima lamang aniya kasi ang accredited collecting agents sa ibang bansa, at partners na local agents, na kung saan doon nagbabayad ang mga OFW.

Pagsapit din aniya ng 2015, ay hindi na inoobliga ang OFWs na bayaran ang kanilang mga premium bago makakuha ng overseas employment certificate (OEC) para makapagtrabaho abroad.

PANOORIN ANG BUONG DETALYE:

Social Shares
  • 172
    Shares
  • 172
  •  
  •  

Facebook Comments

Continue Reading

DDS NEWSFEED

Trending

Copyright © 2020 DDS NEWSFEED

error: Content is protected !!