Connect with us

Latest

BATAAN NUCLEAR POWER PLANT, NAPAPANAHON NG BUKSAN DAHIL SA MAHAL NA SINGIL NG KURYENTE?

Published

on

Napapanahon na talaga na pag-aralan at iopen ang bataan power plant. Ang pinaka magandang proyekto noon ng Marcos Administrasyon dahil nga na politica noong pag pasok ng After People Power pinatigil ang Batan Power Plant maganda sana dahil nakapag bibigay ng power at problema natin sa elektrisidad na seguradong mas mababa.

Halos sa buong Asia at buong mundo taging ang pilipinas lang ang walang power plant. Mahigit 7 Billion din ang nagastos ni Dating Presidente Marcos sa pagpapagawa nito. At ang gobyerno ay gumagastos ng 15 million taon taon para sa maintenance ng power plant ngunit hindi naman napapakinabangan ng mga mamayanan dahil nga na politica.

Ito na kaya ang magbibigay ng solution sa kong bakit napakataas na bayarin sa Manila Electric Company o MERALCO at iba pang power producer.

Panoorin ang buong detalye:

source: SMNI News Channel

Social Shares
  • 8.2K
    Shares
  • 8.2K
  •  
  •  

Facebook Comments

Continue Reading
Advertisement

Latest

GOOD NEWS! TAGUIG REP. ALAN PETER CAYETANO, MANANATILI BILANG HOUSE SPEAKER

Published

on

Mananatili bilang House Speaker si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano matapos tanggihan ng mga mambabatas ang pagbibitiw niya para umano bigyang-daan ang term-sharing nila ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Pero bago nito ay nag-privilege speech si Cayetano kung saan niya inilantad ang umano’y hindi kahandaan ni Velasco sa posisyon, at ang mga nangyari umano sa pulong nila kasama si Pangulong Rodrigo Duterte. 

Hindi narinig ang kaniyang stand sa mga usaping pampubliko… Ang problema ang daming nagsasabing question mark ang kaniyang speakership. Hindi po personal… COVID eh, nagtago ka eh. Hindi ko alam kung nasa aircon kang hotel,” ani Cayetano.

Halos isang oras idinetalye ni Cayetano kung paano umano nagkulang si Velasco. 

Pero sa huling bahagi ng kaniyang speech, nagbitiw sa puwesto si Cayetano. .

“I will not be a party to letting the President down. So I’m offering my resignation, here and now, to you my dear colleagues. My fate and the fate of the 2021 budget, and the fate of the leadership of the House is in your hands,” aniya.

Pero sa isang pambihirang pagkakataon, pinagbotohan pa ng mga kongresista kung tatanggapn ang resignation ni Cayetano. 

Mabilis tumayo ang mga kakampi ni Cayetano na nasa plenaryo para tanggihan ang kanyang pagbibitiw. Nagmosyon silang pagbotohan kung tatanggapin ang alok.

Ayon sa kaniyang mga kakampi, dito magkakaalaman kung suportado ng mayorya ang palitan ng Speaker.

Dalawang beses nagbotohan. Una sa palakasan ng boses at para mas malinaw ang boto ay nag-nominal voting o isa-isang pagboto.

Ang resulta, parehong pinanalo ni Cayetano: 184 ang ayaw na magbitiw sya, 9 ang abstain, at isang pabor. 

Ayon sa mga kaalyado ni Cayetano, kalimutan na daw ang term-sharing dahil mismong mga mambabatas na ang nagsalita na nais nilang panatilihin si Cayetano bilang lider.

Samantala, binatikos naman ni Buhay Rep. Lito Atienza ang naging paraan sa pagpili ng bagong House Speaker.

Giit ni Atienza, panindigan sana ni Cayetano ang salita nito. “You created a drama, you followed the script… My advice to him, for once, tuparin mo ang salita mo,” ani Atienza.

Social Shares
  • 2
    Shares
  • 2
  •  
  •  

Facebook Comments

Continue Reading

Latest

BIRADA ni LENI sa ‘WHITE SAND’ makeover sa MANILA BAY, WASAK KAY SEC. SAL PANELO!

Published

on

Kinuwestyon ni Vice President Leni Robredo ang paglalagay ng white sand sa Manila Bay at sinabing walang pakialam ang DENR at nakaka-insulto sa mga Pilipino na naghihirap sa ngayong may pandemya.

INIHAYAG ng Malakanyang na ang paglalagay ng white sand sa Manila Bay ay bilang bahagi ng beach enhancement para maiwasan ang soil erosion.

Ang pahayag ay kasunod ng pagkwestyon ni Vice President Leni Robredo ukol dito at sinabing walang pakialam ang Department of Environment and Natural Resources o DENR at nakaka-insulto sa mga Pilipino na naghihirap sa ngayong may pandemya.

“Napaka-insensitive na gagawin mo yan sa height ng pandemic na ang daming nagugutom. Ang daming naghihirap, gagawin mo yung pag-beautify.”

                —Vice President Leni Robredo

White Sand sa Manila Bay, bahagi ng programa para maiwasan ang soil erosion

Samantala, ipinaliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque na makatutulong din ang white sand sa Manila Bay para sa flood control projects ng pamahalaan.

Bilang taga-Maynila, ikinatuwa rin ng Palace spokesman na may magandang atraksyon na sa kanyang siyudad.

Naglabas din ng pahayag si VP Robredo na sana’y pinangtulong na lamang sa mga mahihirap na pamilya ang pondo na ginasta para sa naturang proyekto, lalo’t marami ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Pinunto pa ni VP Leni ang laging sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ubos na ang pondo para sa COVID-19 relief efforts ng pamahalaan.

“Ang isa sa mga suggestion ko na yung pinakamahihirap na pamilya, bigyan sana ng Pantawid pamhanapbuhay man lang…Ang sagot nilang walang pera.”

                 —Vice President Leni Robredo

Sa pagkwenta ng bise presidente, ang lampas P300M na pondo para sa pagpapaganda ng Manila Bay ay nakapagbigay na sana ng P5,000 bilang tulong pinansyal sa 80,000 pamilya.

Kaugnay sa perang ginamit dito, binigyang-linaw ni Roque na ang Manila Bay project ay inaprubahan pa noong nakaraang taon na pinondohan ng 2020 national budget.

Giit ng Palasyo, may pondo nang inilaan para sa naturang proyekto bago pa man magsimula ang COVID-19 pandemic.

Batay sa rule sa budget, kapag ito ay nasa line item, ito lamang ang pupuwedeng paggamitan ng pondo.

Mababatid na umani ng batikos mula sa publiko at ilang grupo ang naturang proyekto at kinuwestyon kung bakit inuna pa ng pamahalaan itong gawin gayong mayroong pandemic ng COVID-19 sa bansa.

Dinipensahan naman ng DENR ang pagtatambak ng synthetic white sand sa dalampasigan ng Manila Bay at sinabing ang pondo ay galing sa P389 million Manila Bay Beach Nourishment Project Fund.

Social Shares
  • 219
    Shares
  • 219
  •  
  •  

Facebook Comments

Continue Reading

Latest

NO MORE THAN 40 YEARS IMPRISONMENT ANG KAKAHARAPIN NG MAHAHATULAN NG PLUNDER

Published

on

Tiwala si Senate President Vicente Sotto III na lahat ng mga opisyal ng Philippine Health Insu­rance Corp. (PhilHealth) ay madidiin sa mga kasong inirekomenda ng Senado.

Giit ni Sotto, masyadong halata ang fin­dings nila at ang kanilang rekomendasyon na sampahan ng kasong criminal at administratibo ay maipa-file.

Nauna nang inirekomendang kasuhan ng Senate Committee of the Whole na kasuhan si Health Secretary Francisco Duque III, ex-officio chairman ng PhilHealth board gayundin ang nagbitiw na si chairman Ricardo Morales at iba pa dahil sa umano’y illegal na implementasyon ng interim reimbursement mechanism o IRM.

Iginiit ng Senate president na hindi naman kung sinu-sino lang o sila-sila lang ang basta-basta nag- imbestiga dahil mayroon umano silang magagaling na imbestigador tulad ng dating chief of police at dating kalihim ng Department of Justice na dating executive secretary na kasama sa nagrekomenda ng mga kaso.

Idinagdag pa ni Sotto na conservative at mabait pa sila sa naging rekomendasyon nila at ang isinama lang nila at tala­gang matibay ang kanilang posisyon.

Sa kabila nito, ipinapaubaya pa rin nila sa De­partment of Justice (DOJ) na magpursige ng iba pang detalye na silang magsasampa ng kaso sa mga opisyal ng PhilHealth dahil mas malalim ang imbestigasyon nila dahil na rin sa magagamit nila ang National Bureau of Investigation (NBI).

PANOORIN ANG BUONG DETALYE:

Social Shares
  • 814
    Shares
  • 814
  •  
  •  

Facebook Comments

Continue Reading

DDS NEWSFEED

Trending

Copyright © 2020 DDS NEWSFEED

error: Content is protected !!